GAMBLING, GREED AND GOVERNANCE - GLOBAL FILIPINO NATION
PAHAYAG NG GLOBAL FILIPINO NATION:
GLOBAL FILIPINO NATION STATEMENT
PAGSUSUGAL, KASAKIMAN AND PAMAMAHALA
GAMBLING, GREED AND GOVERNANCE
Gov. Among Ed Panlilio exercised bold political will by filing plunder charges against the illegal gambling or jueteng establishment of Pampanga.
sinagawa ni Gob. Among Ed Panlilio ang matatag na pagpapasyang pulitikal sa pagsampa ng sakdal ng pandarambong (plunder) laban sa mayhawak ng ilegal na sugal o jueteng sa Pampanga.
We denounce jueteng and unequivocally support Gov. Among Ed's campaign, reflecting our solidarity with the people of Pampanga who catapulted him to unprecedented election victory.
Tinutuligsa namin ang jueteng, at walang pasubali naming itinataguyod ang kampanya ni Gob. Among Ed, bilang pagpabatid ng aming pakikiisa sa mga mamamayan ng Pampanga na siyang tumanghal sa kanya sa wala pang katulad na tagumpay sa halalan.
Gambling breeds corrosive greed and degenerate governance.
Nagbibigay-daan ang sugal sa nakasisirang kasakiman at tiwaling pamamahala.
Corrosive greed distorts a person's rational balance and creates risks of drunkenness, substance abuse, debased work ethic, broken homes, hostility to society, financial ruin, theft, prostitution, suicide and murder.
Nililihis ng kasakiman ang pag-iisip ng tao at nagdudulot ng panganib ng paglalasing, pagkakagumon sa mga bawal na droga, katamaran at pagkaburara sa trabaho, pagkawasak ng tahanan, pagsalungat sa lipunan, pagbagsak ng pinansya, pagnanakaw, pagbibili ng aliw, at pagpatay sa kapwa tao.
Degenerate governance mirrors public officials held hostage by gambling money, breakdown in the administration of the law, hurdles to the rise of principled leaders, substandard public services, misallocation of society's potential savings, and missed opportunities for rapid economic growth cum poverty alleviation.
Nakikita ang tiwaling pamamahala sa mga opisyal ng gobyerno na bihag ng pera sa sugal, sa pagkasira ng pag-ugit ng batas, sa hadlang sa paglitaw ng mga pinunong may prinsipyo, sa mababang kalidad ng mga serbisyong publiko, sa paglihis ng mga maaaring matitipid ng lipunan, at sa pag-aksaya ng mga pagkakataon ukol sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya kasabay ng pagbawas o pagpagaan sa karukhaan.
Illegal gambling vastly magnifies the corrosive and degenerate impact.
Matinding pinalalala ng ilegal na sugal ang nakasisira at tiwaling talab ng mga nabanggit na kasamaan.
We call on the silent majority, especially the vigilant Filipinos -- to rally in this collective outrage aimed against a singular cause of corrosive greed and degenerate governance
Nanawagan kami sa tahimik na mayoriya, lalo na ang mga maalaga’t mapagmalasakit na Pilipino, na makiisa sa sama-samang paglaban sa isang natatanging sanhi ng nakasisirang kasakiman at tiwaling pamamahala.