Fr. Albert Alejo on Radio Veritas
The Ateneo de Manila University-School of Government in partnership with Radio Veritas runs Lider Totoo!, a weekly radio program, from 9 a.m. to 10:30 a.m. where leaders from different fields of expertise share their personal experiences and views on matters concerning Servant Leadership. Last Saturday, Fr. Albert Alejo, S.J. thoughtfully shared challenging yet inspiring views on the issues of corruption and others that continue to perturb Philippine society.
Tagapanayam: Maaari ninyo po bang isa-isahin sa amin at sa mga tagapakinig kung anuano ang mga pinag-kakaabalahan ninyo?
Fr. Albert Alejo: Ang karaniwang tawag sa akin pala ay Pareng Bert kung saan magakasama na ang pare at ang pagiging pari ko. Bago ako nagpari, naging konsehal ako sa Obando, Bulacan ng apat na taon.
Ngayon ay nagtuturo ako sa Ateneo de Davao University. Maliban diro, ako rin ang pinuno sa Mindanawon Initiatives for Cultural Dialogue (MICD) na isang organisasyong naglalayong magkaroon ng diyalogo o pag-uunawaan sa pagitan ng pagkakaiba-iba ng mga nahihirahan sa Mindanao. Isa rin ako sa mga namumuno sa Ehem! Anti-corruption Movement. Itinatag ko ang Amuma Cancer Support (Amuma = kalinga) na tumutulong sa mga taong may kanser at sa kanilang mga pamilya upang malabanan ang sakit na ito.
Tagapanayam: Anu-ano ang mga kasalukuyang proyektong isinasagawa ng MICD? Ano ang kahalagahan nito sa mga taga-Mindanao?
Fr. Albert Alejo: Naitatag ang MICD mula sa karanasan ko mula sa pag-aaral ko ng antropolohiya sa Mindanao.Noong pumunta ako sa Mt. Apo upang makita ang sitawsyon doon, nakilala ko ang tribo ng mga Lumad. Mula sa pakikisalamuha ko sa kanila, nabatid ko ang kanilang malaking suliranin sa lugar. May tatlong tinig na makikita sa Mindanao at dalawa lang dito ang naririnig sa buong kalupaan. Naisasantabi ang tinig na mula sa mga katutubo at hindi sila nabibigyan ng oportunidad na katulad sa ibang tao. Kaya naitayo ang organisayong ito. Ang layunin namin ay maipakilala ang mga hindi napapansing tinig sa buong mindanao. Upang mgkaroon ng unawaan ang iba’t ibang tribo, napakaimportante ang magkakilalalanan muna.
Kabilang sa mga sinusulusyunan namin ay ang problema ng mga tribo sa lupa. Ang lugar na kanilang kinalalagyan ay lugar ng mga alaala, ng mga espiritu, at kuwento mula sa kanilang mga ninuno. Narito rin ang kanilang mga pangarap sa hinaharap. Ang mga lupaing ito ay sinasamsamsam na ng mga pribadong kompaniya at nais nilang gamitin para sa komersiyo. Kung aalisan sila ng lupa, mawawalan ng daigdig ang kahulugan na nakakabit sa daigdig na kanilang nakikita, nahahawakan, nalalakaran, natutuntungan, at nasasayawan.
Bahagi rin ng programa namin ang makilala sila bilang isang bayang may dignidad. Inaalis namin ang kaisipan na pagtawag sa kanila bilang indigenous people na kailangang kaawaan ng bawat isa. Hindi sapat ang awa kundi ang nararapat sa kanila ay pagkilala. Tinutulungan din namin sila sa Kikilalanin pag-alam ng kanilang kasaysayan kasaysayan upang mapatunayan na sila talaga ang tunay na may-ari ng mga lupang kinalalagakan nila, kaagapay ang batas na Indigenous People Rights Act (IPRA).
Ngayon, pinag-iisipan namin kung paano maipapasok ang konsepto ng social entrepreneurship para sa mga latutubo. Magbibigay kami ng scholarships upang mapag-aral ang mga magagaling na katutubo upang baling-araw ay magamit nila ang kanilang natutuhan sa paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang komunidad.
Tagapanayam: Ano naman po ang layunin ng organisasyon na Ehem! Anti-corruption?
Fr. Albert Alejo: Itinatag ng mga Heswita ito noong 2004 upang tumalakay sa kultura ng korapsiyon sa bansa at sa pag-aabuso na nagagawa nito sa mga tao. Ito ang pang-aabuso ng pagtitiwalang publiko para sa panasariling kapakanan. Ipinapamulat namin na lahat tayo ay bahagi rito. Ang basura ng kalooban ng tao ay nagdudulot ng basura ng lipunan. Hinihikayat namin ang lahat na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran, pati sa kanilang sarili. Sana lahat ay makuha sa tingin kahit walang nakatingin, dahil sa katunayan nito, may nakatingin.
Sa kasalukuyan, marami-rami nang institusyon kabilang ang Ombudsman at CEAP na nagpapalaganap nito sa kanilang mga opisina at sangay.
Tagapanayam: Paano maikokonekta ang korapsyon sa eucharist?
Fr. Albert Alejo: Bago pa namatay si Hesus ay naitatag na ang eucharist. Noong Huwebes Santo, may isang apostol na nagngangalang Judas na tumanggap ng suhol na 30 piraso ng pilak upang ipagkalulo si Jesus. Mismong sa oras ng komuniyon, may isang naghudas ang ipinagpalit ang pagkakaibigan at pagsasamahan nila ni Jesus para sa material na bagay. Mula rito, malinaw na mismong si Hesus ay nakaranas ng korapsyon na nagdulot sa kanyang kamatayan. Kung gumagawa ng korapsiyon ang isang tao, par among sinasampal ang Diyos at tinatalikuran ang anumang ugnayan mo sa kanya.
Ayon din kay San Pablo , kinakailangang suriin muna ang kalooban ng isang tao bago ito tumanggap ng komunyon. Kapag may korapsyon sa kalooban, ang kinakain na komunyon ay nagsisilbing lason sa halip na magdulot ito ng kaligtasan sa tao.
Tagapanayam: Para sa inyo, ano ang servant leadership? Anu-ano ang mga kailangang maging katangian ng isang tao upang maging isang servant leader?
Fr. Albert Alejo: Noong boy scount pa lang ako at mula sa mga leadership seminara na nadaluhan ko, natutuhan ko na ang lider ay isang taong kayang gawin ang isang bagay para sa iba. Nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa sa isang grupo dahil sa kanya. Siya ang nakakakita ng sitwasyon, ng problema, at ng iba pang bagay na maaaring gawin upang masolusyunan ito. Kabilang rin sa kanyang mga katangian ay ang pagkakaroon ng isang salita at ng kapangyarihan na gumanyak ng ibang tao at sumunod sa nais niyang patunghuhan habang nananatili pa rin sa kanya ang pagiging tagapaglingkod.
Makikita natin ang halimbawa ng servant leader sa bibliya nang mapagaling ni Hesus ang isang paralitiko dahil sa tulong ng mga kaibigan nito. Ang kanyang apat na kaibigan ay mga lider. Una, ito ay dahil sila ang malapit sa ngangailangan. Naririnig nila ang pakiusap ng maysakit. Pangalawa, kahit na sa kabila ng imposibilidad ay hindi sila nawalan ng pag-asa na idulog ang maysakit sa panginoon. Pangatlo, sa pagbutas nila ng bubong ay napatunayan nilang kaya nilang bumutas ng istruktura sa nakatataas, hindi para sirain ang bahay at guluhin ang sistema, kundi sapat lang para ang maysakit ay mailagay sa bukal ng kanyang pag-asa.
Maihahambing din ang servant leadership sa pagtilaok ng manok sa umaga. “Kapag araw ay nasilip, titindig yaring manok. Dadagukan ang dibdib, saka lang titilaok.” Sa dilim ay naghihintay ang manok ng liwanag. Kapag nakakita ito ng liwanag, titindig ito at maninindigan kahit walang iba na nakakakita ng katulad sa kanya. Dadagukan ang sarili upang matiyak na ito mismo ay gising bago manggising ng iba. Puno ng pag-asa. Kahit sa dilim ay naghihintay ng liwanag. Patuloy niyang gagawin ito hanggang sa makagising ng iba. Matutuwa siya dahil sa hindi kalayuan, may mga sasagot at sasabay. Malalaman niyang hindi lang pala siya ang naghihintay ng liwanag sa dilim kundi marami pala. “Kay rami na ngayong gising. Aba at may sumasabay, dumadagok, at sumisigaw. Hindi lahat pala’y himbing, kayrami na ngayong gising.”
Tagapanayam: Ano po ang mensaheng maiiwan ninyo sa mga tagapakinig?
Fr. Albert Alejo: Hindi mawawala para sa akin ang pag-asa sa ating kababayan. Ang isang katangian ng lider ay may pag-asa. Tulad sa dyip, nagbabayad pa rin ang mga pasahero kahit nakatalikod ang driver. Ipakita nating hindi tayo masasamang tao at masamanag lahi. Kaya pa nating baguhin itong bansa natin. Magtiwala lang tayo sa kakayahan natin at sa biyaya ng Diyos. Kaya natin ito.